
Inanunsyo ni Bise Presidente Sara Duterte nitong Sabado, Pebrero 21, na mayroon na siyang napiling running mate para sa 2028 presidential elections na na-recruit pa niya noong nakaraang taon.
Bagaman kumpirmado na ang kaniyang katuwang, pinili niyang ilihim muna ang pangalan nito upang maprotektahan ang pagkakakilanlan ng naturang indibidwal.
Ayon kay Duterte, magiging katuwang niya ang bise presidente sa pagpapanagot sa mga tiwali habang siya ay nakatuon sa pamumuno sa bansa.
Ibinahagi rin niya na iilang malalapit na tao lamang, kabilang ang kaniyang asawa, mga anak, at ina na si Elizabeth Zimmerman, ang nakakaalam ng kaniyang maagang deklarasyon.
Hindi rin niya agad ipinaalam ang planong ito sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang-diin ni VP Sara na walang kinalaman ang kasarian sa kakayahan ng isang tao na mamuno.
Ito ay matapos niyang ungkatin ang dating pahayag ng kaniyang ama na ang pagiging pangulo ay hindi para sa mga kababaihan.










