Muling hindi dumalo si Bise Presidente Sara Duterte sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng mga reklamong impeachment laban sa kanya nitong Abril 22.

Sa pagdinig, tinawag pa ang kanyang pangalan ngunit kalaunan ay kinumpirma na wala siya sa lugar.

Ayon kay House Committee on Justice Chairperson at Batangas Representative Gerville Luistro, nabigyan ang bise presidente ng pagkakataong dumalo at magpaliwanag sa mga paratang.

Tinututukan ng komite ang mga reklamong may kinalaman sa umano’y maling paggamit ng confidential funds at iba pang alegasyon laban sa kanya.

Kabilang din sa mga paratang ang umano’y plano laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez, na mariin namang pinabubulaanan ng kampo ng bise presidente.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa komite, kung magpapatuloy ang hindi pagdalo ni VP Sara, maaaring makaapekto ito sa susunod na hakbang ng impeachment process sa Senado.