Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Vice President Sara Duterte para sa mga nakiramay sa pagpanaw ng tiyuhin niyang si Benjamin “Bong” Duterte, utol ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa latest Facebook post ni VP Sara nitong Sabado, Pebrero 7, sinabi niya ang papel na ginampanan ng tito niya noong kasagsagan ng pangangampanya nila taong 2025.

Ayon kay VP Sara, bago sumakabilang-buhay ang kaniyang tiyuhin, hiniling umano nitong gawing limitado lang para sa pamilya at piling kaibigan ang lamay at libing nito.

Matatandaang nauna nang isinapubliko ng pinsan ni Bong ang tungkol sa malungkot na balita.