Hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City nitong Martes.

Hindi naman malinaw ang dahilan, gayunman, nagpadala naman ito ng pagbati sa mga student-athletes na kalahok sa Palaro, ayon sa Department of Education (DepEd) Spokesperson na si Undersecretary Michael Poa.

Pinadala naman ni Duterte si Assistant Secretary Francis Bringas bilang kanyang representative para sa pagtataas ng Palarong Pambansa banner kasama si Philippine Sports Commissioner Chairman Richard Bachmann at Department of Interior and Local Government Region 7 Director Leocadio Trovela.

Pinasalamatan din ni Duterte ang mga guro, coach, technical staff at kasapi ng organisasyon para mabuo ang taunang palaro.

Aabot sa mahigit na 18,000 atletang mag-aaral ang kalahok sa Palaro mula sa 19 delegasyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Gaganapin ang Palaro hanggang Hulyo 16.