Ipinahayag ni Bise Presidente Sara Duterte na panatag ang kanyang kalooban anuman ang maging resulta ng nakaambang impeachment trial na pansamantalang nakatakdang magsimula sa Hulyo 30.

Ayon sa kanya, tinanggap na niya ang posibilidad na siya’y mapawalang-sala o mapatunayang may sala, at ayaw niyang isipin ng publiko na ginagamit niya ang usapin para sa pansariling interes.

Giit pa niya, hindi lang ito tungkol sa kanya kundi sa mga pangakong serbisyo-publiko ng mga pulitiko at ng administrasyon sa taumbayan.

Samantala, naghain si Duterte ng petition for certiorari and prohibition sa Korte Suprema upang kuwestyunin ang legalidad at konstitusyonalidad ng ika-apat na impeachment complaint na inihain laban sa kanya.

Humihiling din ang kanyang kampo ng temporary restraining order o preliminary injunction upang mapigil ang pag-usad ng kaso.

-- ADVERTISEMENT --

Kung sakaling matalo si Duterte sa Senado, hindi lamang siya matatanggal sa puwesto kundi pagbabawalan ding tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.