Kinumpirma ng Malacañang na pinayagan si Bise Presidente Sara Duterte na bumiyahe sa limang bansa mula Abril 23 hanggang Mayo 15.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, humiling ng travel authority ang bise presidente para bumisita sa Netherlands, South Korea, Belgium, Germany, at United Kingdom.

Inaprubahan ito ng Office of the President sa dokumentong may petsang Abril 22.

Batay sa approval, ang biyahe ay habang nasa leave of absence at walang gagastusin mula sa gobyerno.

Nakasad din na papalitan ng bagong travel authority ang anumang naunang permit para sa biyahe.

-- ADVERTISEMENT --

Wala pang inilalabas na kopya ng opisyal na dokumento ang Malacañang.