Pinayuhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang anak nito na si Vice President Sara Duterte na umalis na sa pulitika.
Sinabi nito sa anak na magpasalamat na lamang ito dahil may ama siya na naging pangulo ng bansa habang naging bise presidente siya.
Bihira lamang aniya ito sa isang pamilya sa Pilipinas na nagkaroon ng mag-ama sa may mataas na posisyon. Streaming service
Payo pa nito sa anak na maghanapbuhay na lamang o mag-negosyo basta mabuhay ng mapayapa at huwag ng mag-ambisyon dahil naging bise presidente na rin ito.
Magugunitang iniimbestigahan sa House of Representative ang Vice President dahil sa paggamit nito ng budget ng kaniyang opisina at ang budget noong siya ay naupo rin bilang kalihim ng Department of Education
-- ADVERTISEMENT --