Umalis ng bansa si Vice President Sara Duterte kaninang umaga papuntang Amsterdam, the Netherlands, kasunod ng pag-aresto sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ng Office of the Vice President.

Sa mensahe sa media, sinabi ng OVP umalis ng Manila ang bise presidente kaninang 7:40 a.m., sa pamamagitan ng Emirates flight no. EK 337, papuntang Amsterdam.

Nakatakdang papunta si Rodrigo Duterte sa Rotterdam The Hague Airport mula sa Al Maktoum International Airport sa Dubai ngayong umaga.

Dumating ang sinakyang eroplano ng nakatatandang Duterte sa Dubai kaninang madaling araw para magpahinga matapos na umalis ang kanyang eroplano sa Villamor Air Base sa Pasay City kagabi.

-- ADVERTISEMENT --