Inihayag ni Vice President Sara Duterte na hindi siya dadalo sa pagdinig ng Kamara tungkol sa paggamit ng pondo na inilaan sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd), na dati niyang pinamunuan.
Sinabi ni Duterte na magbibigay na lamang siya ng kanyang mga tugon sa pamamagitan ng mga sulat sa findings sa umano ay hindi tamang paggamit sa pondo ng OVP at DepEd.
Idinagdag pa ni Duterte na plano din niyang magbigay ng affidavit tungkol sa confidential funds dahil ang affidavit ay ginagawa under oath.
Matatandaan na hindi nanumpa si Duterte sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng Kamara noong September 18.
Sa pagdinig noong November 11, natuklasan ng House commitee on good government and accountability na halos kalahati ng budget ng OVP noong 2022 at 2023 ay napunta sa sattelite office sa buong bansa.
Iginiit ni Duterte na hindi na kailangan na dumalo pa siya sa pgdinig ng Kamara.
Subalit, ang biglang pagpapakita ni Duterte sa pagdinig ng House Quad commiittee noong Miyerkules ang nagbukas ng oportunidad para sa committee on good government and accountability na sulatan at imbitahan siya na dumalo sa susunod na pagdinig sa November 20.