Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kautusan para sa salary increase at dagdag na allowance ng mga kawani ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO), nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 64 para kay Marcos.

Ayon pa sa PCO agad na ipatutupad ang EO sa sandaling mailagay na ito sa publication sa Official Gazette o pahayagan na may general circulation.

Ang wage hike schedule ay para sa lahat ng civilian government personnel sa Executive, Legislative, at Judicial Branches; Constitutional Commissions; at iba pang Constitutional Offices.

Ang dagdag sahod ay ipatutupad sa apat na tranche: ang unang tranche ay sa Kanuary 1, 2024 o retroactive, ang second tranche ay sa January 1, 2025, ang third tranche ay sa January 1, 2026 at ang fourth tranche ay sa January 1, 2027.

-- ADVERTISEMENT --