Sinabihan ng Malacañang si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na “wait and see” kung kailan siya ibabalik ng pamahalaan sa bansa.

Sagot ito ni Palace Press Officer Claire Castro sa tanong ni Roque kung bakit hindi pa siya makuha umano sa The Netherlands at ibalik sa bansa.

Ayon kay Castro na kung ang hamon ni Roque ay “come and get me,” ang sagot ni Castro ay “wait and see.”

Una rito, sinabi ng Departmnent of Justice na naghihintay na lamang sila ng formal notice tungkol sa kahilingan na asylum ni Roque sa The Netherlands.

Binatikos din ni Castro si Roque sa sinabi niyang “fake news” ang impormasyon ng DOJ na tinanggihan ang kanyang asylum application, at pinayuhan na huwag maliitin ang intelligence at assets ng DOJ.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaan na sinabi ni Justice Sceretary Crispin Remulla na tinanggihan ng Netherlands ang asylum application ni Roque at sinasabing nag-apply siya sa Germany.

Subalit mariing pinabulaanan ito ni Roque at tinawag itong “fake news.”