Wala pa ring red notice mula sa Interpol para kay dating Ako Bicol Rep. Elizaldy “Zaldy” Co, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari, ginawa lamang ang verification kahapon.

Ang hiling sa red notice ay isinampa ng NBI noong Nobyembre 23, 2025.

Si Co, na nakatakdang humarap sa Sandiganbayan ngayong Martes, ay nasa labas ng bansa mula nang magbitiw sa House of Representatives noong Setyembre 2025.

Haharapin niya ang kaso ng corruption at malversation kaugnay ng umano’y P289.5-milyong anomalous road dike project sa Oriental Mindoro, at plunder charges mula sa NBI.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ang huling kilalang lokasyon ni Co ay sa Portugal.

Pinabulaanan ni Co ang mga paratang, na galing sa mga dating opisyal ng DPWH na sina Henry Alcantara at Brice Hernandez, na nagsabing kasama siya sa budget insertions at kickbacks mula sa mga infrastructure projects.