TUGUEGARAO CITY- Iginiit ni Environment Secretary Roy Cimatu na walang ginagawang black sand mining sa dredging sa

ilang bahagi ng ilog Cagayan.

Sinabi ito ni Cimatu sa kanyang pagbisita sa Lallo at Aparri upang magsagawa ng inspection sa

ginagawang proyekto.

Ayon sa kanya, tanging dredging lang ang ginagawa sa Magapit Narrows at maging sa bayan ng Aparri na

-- ADVERTISEMENT --

ang layunin ay marehabilitate ang Cagayan river na makakatulong upang maibsan ang mga pagbaha na

nararanasan sa lalawigan sa tuwing may malalakas na mga ulan o bagyo.

Ang dredging sa Magapit narrows ay ginagawa ng Department of Public Works and Highways o DPWH kung

saan 80 percent na ang natatapos.

Mga pribadong kumpanya naman ang magsasagawa ng dredging sa bukana ng bayan ng Aparri.

Ang mga nasabing proyekto ay sa ilalim ng “Build Back Better” Program ng pamahalaan.

Bukod sa pag-inspeksion sa mga nasabing proyekto ay pinangunahan din ni Cimatu at DPWH Secretary Mark

Villar ang ground breaking ceremony sa ipapatayong tulay na magdudugtong sa Camalaniugan at sa Aparri West.

Samantala, sa naging mensahe ni Cagayan Gov. Manuel Mamba ay pinawi nito ang pangamba ng ilang mga

residente tutol sa nasabing proyekto at nangakong hindi niya pababayaan ang bayan ng Aparri at ang

buong probinsya na masira.

Punto niya, malaki ang potensyal ng pag-unlad ng ekonomiya at sibilisasyon sa pagbubukas ng bukana ng

ilog Cagayan sa bayan ng Aparri at makatutulong din ito upang maiwasan ang matinding epekto ng mga

pagbaha tulad ng naging epekto ng bagyong Ulysess.

Umapela rin si Mamba sa publiko na magtiwala sa mga ilalatag na proyekto dahil walang black sand

mining ang magaganap sa dredging operation.

Inihayag naman ni Aparri Mayor Bryan Chan na suportado ng Pamahalaang Bayan ang nasabing proyekto at

kalakip nito ang pagkakaroon pa ng public consultations upang malinawan ang mga residente sa layunin

ng nasabing proyekto.

Bukas aniya ang kanilang tanggapan na suportahan ang mga proyekto ng pamahalaang national at

panlalawigan na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang bayan.