
Nanindigan si Atty Neri Colmenares, abogado ng mga biktima ng war on drugs na maaaring isuko ang isang akusado sa international court kapag mayroong warrant of arrest, tulad ng kaso ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.
Ayon kay Colmenares, batay sa Republic Act 9851, hindi kinakailangang dumaan sa lokal na korte ang kaso ng international court warrants, di tulad ng extradition requests.
Binatikos rin ni Colmenares ang pag-alis kaagad ni Senator Bato sa Senado matapos bumoto sa Senate Presidency na inilarawan bilang pagpapakita ng kanyang mababang pananaw sa tungkulin bilang senador.
Iginiit rin niya na dapat masusing imbestigahan ang mga nag-obstruct sa paglilingkod ng warrant of arrest.
Inihalimbawa pa ni Colmenares na noong Duterte administration, ipinadakip ng nooy PNP chief na si Senator Bato ang mga kalaban sa pulitika at sa loob pa ng Senado gaya ni Senador Leila De Lima.






