TUGUEGARAO CITY- Idineklara ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng Cagayan na walang pasok mula pre-school hanggang senio high school dahil sa kay bagong “Jenny”

Sinabi ni Atanacio Macalan, head ng PDDRMO na layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng mga batang mag-aaral dahil sa nararanasang pag-ulan .

Kasabay nito, sinabi ni Macalan na hindi pa tinatanggal ang red alert status sa lalawigan na ipinatupad noong manalasa ang bagyong “Ineng” bilang paghahanda sa pananalasa ng bagong bagyo.

Sinabi ni Macalan, inabisuhan na rin ang mga kaukulang departmentamento ng lalawigan at maging government agencies na tiyakin ang kanilang kahandaan.

Pinayuhan na rin aniya ang mga residente na nasa low lying areas at mga malapit sa dagat na maging alerto at agad na lumikas kung kinakailangan.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nakakaranas ng mahinang pag-ulan ang lalawigan.

Nasa tropical cyclone warning signal no. 1 ang Cagayan dahil sa bagyong “Jenny”.