TUGUEGARAO CITY-Maglulunsad ang Department of Trade and Industry (DTI) ng dalawang nitong programa para matulungan ang mga negosyante,magsasaka at mamimili habang nahaharap ng krisis ang rehiyon dahil sa covid-19.
Ang mga programang ito ay ang “walang sayang at One Town, One Product (OTOP) hub on wheels project kung saan isasagawa ito sa negosyo center building ng DTI-Region 2 sa darating na Biyernes, Agosto 7, 2020.
Ilalagay sa lugar ang mga sariwang gulay na mula sa mga magsasaka sa rehiyon at mga local process products na derekta mula sa mga negosyante.
Bukas ang naturang programa simula 7:30 ng umaga hanggang alas tres ng hapon kung saan istriktong ipapatupad ang mga minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at pag-obserba sa social distancing para makaiwas sa covid-19.with reports from Bombo Efren Reyes Jr.