As of 6PM: Suspendido na ang klase sa lahat ng antas (pre-school hanggang graduate school) sa pampubliko at pribadong paaralan bukas, Miyerkules, July 17.

Ang deklarasyon ay batay sa rekomendasyon ng PCCDRMO sa tanggapan ni Cagayan Governor Manuel Mamba.

Sinuspendi na rin ni Governor Eleanor Bulut ang klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Apayao

Una na ring nagdeklara ng suspensyon ng klase, bukas, July 17 bunsod ng mga pag-ulan dulot ng bagyong “Falcon” ang mga sumusunod:

Calayan, Cagayan (All levels)

-- ADVERTISEMENT --

Lasam, Cagayan (Pre-school hanggang senior high school)

Cagayan State University (All satelite campuses)

Allacapan, Cagayan (All levels)

Itinaas na ang tropical cyclone signal number two sa northeastern portion ng Cagayan, kasama na ang Babuyan Group of Islands dahil sa paglakas ng bagyong Falcon.

Signal number one naman ang umiiral sa Batanes, nalalabing lugar sa Cagayan, northern portion ng Ilocos Norte, northern portion ng Abra, Apayao, Kalinga, Isabela, eastern portion ng Mt. Province at eastern portion ng Ifugao.

Mula sa pagiging tropical depression lamang, naging tropical storm na ito kaninang hapon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 355 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Tinatahak pa rin nito ang direksyong pakanluran sa bilis na 30 kph.

—Please refresh this page for updates