Pitong kabataan at isang nasa legal na edad na sangkot sa iligal na droga ang boluntaryong sumuko sa pulisya sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Sinabi ni PCAPT Shiela Joy Fronda, information officer ng Cagayan Police Provincial Office, ito ay bunga ng epektibong intelligence gathering sa kampanya laban sa illegal drugs.

Ayon kay Fronda ang mga sumuko ay newly identified drug personalities.

Ang pito sa mga ito ay edad mula 17 hanggang 20, pawang mga estudyante, habang ang isa ay 23 anyos, isang mekaniko.

Sinabi ni Fronda na matapos na dalhin ang mga ito sa police station sa nasabing bayan para sa tamang documentation at disposition, ay agad din silang pinalaya.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon kay Fronda, patuloy ang gagawing monitoring sa mga ito sa tulong ng mga pulis, barangay officials, at Municipal Social Welfare and Development Office upang matiyak na hindi na babalik ang mga ito sa kanilang iligal na aktibidad.

Samantala, sinabi ni Fronda na may mga nahuli na lumabag sa Comelec gun ban sa lalawigan.

Ayon sa kanya, ang mga ito ay mula sa Tuguegarao City, Sto. NiƱo, Lallo, Piat, at Gattaran, kung saan ang mga nakuha sa mga ito ay shotgun, pistols, mga magazine at mga bala.