
Walong katao ang namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Basyang, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Ayon kay OCD deputy spokesperson Diego Agustin Mariano, apat ang nasawi sa Cagayan de Oro dahil sa landslide, tatlo sa Iligan City, at isa sa Agusan del Norte dahil sa pagkalunod.
Sinabi ni Mariano na isasailalim pa sa validation ang mga nasabing kaso.
Ayon kay Mariano, ang apat na namatay landslide sa CDO ay mag-asawa at kanilang dalawang anak na edad 12 anyos at 11 buwan.
Isinailalim na sa state of calamity ang Iligan City kahapon dahil sa matinding epekto ni Basyang.
-- ADVERTISEMENT --
Isang lumang steel bridge ang bumigay sa Barangay Puga-an.
Maraming sasakyan ang inanod ng malalakas na agos ng tubig-baha sa kalsada sa Barangay Mahayahay.










