
Patay ang walong katao habang sugatan ang isang bata matapos gumuho ang isang bahay sa Kabul, Afghanistan matapos makaranas ng malakas na lindol kahapon, ayon sa National Disaster Management Authority.
Batay sa German Research Centre for Geosciences, tumama ang lindol na may lakas na magnitude 5.9 sa rehiyon ng Hindu Kush, na may lalim na 177 kilometro.
Naramdaman ang malalakas na pagyanig sa iba’t ibang lugar kabilang ang Islamabad sa Pakistan, gayundin sa Kabul at New Delhi sa India.
Kilala ang Afghanistan sa pagiging vulnerable sa mga sakuna dahil sa mabundok nitong geography, kung saan ang mga lindol ang isa sa pinakamapanganib na nararanasan sa bansa.










