Patay ang walong katao matapos lumubog ang isang roll-on roll-off vessel sa katubigan ng Pilas Island, Basilan kaninang madaling araw.

Sinabi ni Pilas Mayor Arsina Kahing-Nanoh, 342 ang nasa manifest na pasahero ng M/V Trisha Kerstin na patungo sa Jolo, Sulu nang mangyari ang insidente.

Ayon sa ulat, lumubogang RORO ferry vessel kaninang 1 a.m. malapit sa Pilas Island mula sa Zamboanga City papuntang Sulu.

Kaugnay nito, ipinag-utos ni Basilan Governor Mujiv Hataman sa Provincial Disaster Risk Reduction Management office at Pilas LGU na iligtas ang mga pasahero ng M/V Trisha Kerstin 3.

Ang barko ay pagmamay-ari ng Aleson Shipping Lines Inc.

-- ADVERTISEMENT --