Tuguegarao City- Muling nadagdagan ng walo ang panibagong kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, umabot na sa 177 ang bilang ng mga tinamaan ng nakakahawang sakit sa rehiyon.
Kabilang sa walong bagong kasong nadagdag sina CV170, isang 28 anyos na babae, LSI, maypaglalakbay sa Pasay City at Singapore, mula Alcala, CV171 na 34 anyos na lalaking OFW (seaman) mula Rizal, Cagayan, CV172 na 39 anyos na babaing OFW sa Saudi Arabia mula San Isidro Isabela at si CV173 na 38 anyos na OFW sa Bahrain mula Quezon, Isabela.
Nagpositibo rin sa virus sina CV174 na isang 47 anyos na lalaking OFW sa Bahrain mula San Agustin, Isabela, CV175, 45 anyos na lalaking OFW sa Quatar mula Bayombong, CV176, 30 anyos na lalaking galing ng Valenzuela City, mula san Manuel, Isabela at si CV177. 57 anyos na lalaking OFW sa Saudi Arabia na mula naman sa bayan ng Naguilian, Isabela.
Sa ngayon ay nasa mga isolation facilities na ang mga pasyente at minomonitor ng mga medical frontliners ang kanilang kondisyon.
Patuloy naman ang contact tracing ng mga otoridad upang matukoy ang posibleng nakasalamuha ng mga pastyente.