Nakakulong ang walong Pinoy seaferers sa Malaysia dahil sa alegasyon ng paglabag sa immigration laws and regulations.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW), ang mga nasabing seafarers ay pahinante ng MT Krishna 1.

Hindi idinetalye ng DMW kung kailan nakulong ang mga nasabing Pinoy.

Bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng Overseas Filipino Workers (OFWs), sinabi ni DMW Secretary Hans Cacdac na binisita ng kanilang migrant workers sa Malaysia, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Kuala Lumpur ang mga nasabing Pinoy para tignan ang kanilang sitwayon.

Sinabi ni Cacdac na sinabi ng mga awtoridad kay Labor Attache Jocelyn Ortega at Migrant Workers lawyer sa Malaysia na ilalabas ang imbestigasyon sa malapit na hinaharap tungkol sa nilabag na batas ng mga nasabing Pinoy.

-- ADVERTISEMENT --

Idinagdag pa ni Cacdac, magsasagawa rin sila ng sarili nilang imbestigasyon sa License Manning Agency at maging sa may-ari ng barko, upang malaman kung ano ang mga nangyari na nagbunsod sa pagpapakulong sa mga nasabing Pinoy.