Patay ang isang walong taong gulang na babae matapos na magulungans siya ng trailer truck sa Minglanilla, Cebu noong gabi ng Pberero 24.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, isinakay ng tiyuhin ang babaeng babae sa kanyang motorsiklo nang mangyari ang aksidente.
Nawalan umano ng balanse ang tiyuhin, 35-anyos na dahilan ng pagkakatumba ng motorsiklo sa kalsada.
Tumilapon ang batang babae sa gitna ng kalsada habang sa gilid naman ng kalsada ang kanyang tiyuhin.
Sa hindi naman inaasahan na pangyayari ay may dumaan na trailer truck na may lulan na mga semento at nagulungan ang kalahating bahagi ng katawan ng batang babae na dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Nagtamo naman ng minor injuries ang kanyang tiyuhin.
Pauwi na ang dalawa sa Barangay Basak, Cebu City matapos na kumain sa isang karinderia sa bayan ng Minglanilla.
Pagkatapos ng aksidente, sumuko sa mga pulis sa lugar ang driver ng trailer truck.
Sinabi ng driver, hindi niya napansin ang biktima at ang kasalubong motorsiklo.
Ayon sa kanya, tumigil siya nang makarinig siya ng malakas na tunog at nakita ang tumilapon na helmet.