
Nasagip ng PNP Maritime ang walong turistang patungong Palaui Island matapos pasukin ng tubig ang sinasakyan nilang bangka sa karagatan ng Santa Ana, Cagayan.
Ayon kay P/Major Arlon Millendez, Assistant Regional Chief ng PNP Maritime Unit 2, humingi ng saklolo ang kapitan dakong alas-12:40 ng tanghali nang mapansin ang butas sa unahang bahagi ng bangka, may isang kilometro pa lamang ang layo mula sa Port of Santa Ana.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng PNP Maritime at inilipat sa rescue boat ang walong pasahero na pawang mga kabataan.
Matapos matiyak ang kanilang kaligtasan, nagpatuloy ang mga turista sa kanilang biyahe patungong Palaui Island.










