Nadiskubre ng pinagsanib na puwersa ng Police Regional Office 2 at Philippine Army ang maraming war materials na pinaniniwalaan na pagmamay-ari ng Communist Terrorist Group (CTG) sa isinagawang intelligence-driven operation sa Sitio, Capucan, Barangay Dalaoig, Alcala, Cagayan kahapon.

Nakuha sa lugar ang seven rounds ng CTG 40mm High-Explosive Dual Purpose (HEDP), apat na rounds of grenade rifle BM76B, isang round ng grenade rifle M76, isang round ng grenade rifle M76AI, apat na talampakan na red commercial detonating cord, at dalawang non-electric blasting caps.

Narekober din ang 38 rounds of CTG Cal. 7.62mm Ball, dalawang pirsao ng 20-round magazines, isang piraso ng 5.56mm 30-round magazine, isang M203 grenade launcher na may defaced serial number, ilang supersibong dokumento at ilang personal na kagamitan.

Ang mga pampasabog at war materials ay nakalagay sa isang dilaw na sako.

Dinala ang mga ito sa Alcala Police Station para sa tamang documentation at disposition.

-- ADVERTISEMENT --