Nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang kalakaran ng illegal na droga sa ating bansa sa kabila ng tuloy-tuloy na kampanya at operasyon ng mga otoridad laban sa mga ipinagbabawal na gamot.
Marami namang mga nahuhuli o napapanagot dahil sa illegal na droga sa bawat sulok ng bansa ngunit nananatili pa ring isang napakalaking katanungan kung bakit malala pa rin ang sakit ng Pilipinas sa illegal na droga.
Mayroon pa kayang tiwala ang mamamayan sa aksyon ng pamahalaan laban sa illegal na droga?
Ibat- ibang mga grupo na rin ang unang kumwestiyon sa naturang kampanya.
Kaliwat kanan ang batikos.
Grupo ng mga kabataan, nasa mga pribadong sektor, mayroong katungkulan sa pamahalaan, lahat may kanya kanyang opinyon sa war against drugs.
Mayroon pa ba silang tiwalang magtatagumpay ito? O mas mananaig pa rn ang impluwensya ng ipinagbabawal na gamot?
(vc reactions)
Sa kabila kasi ng mga naidedeklarang drug free at drug cleared municipalities sa bansa, mayroon pa ring presenya ang shabu o kaya ay marijuana.
Nariyan din ang cocaine na natatagpuang palutang lutang sa karagatan.
Katulad na lamang sa probinsya ng Cagayan, na kung saan apat na mga munisipalidad na ang naideklarang drug cleared municipality na kinabibilangan ng Sta. Praxedes, Sta. Teresita, Rizal at kamakailan lamang ang isla ng Calayan.
Ayon kay Police Capt. Cherry Bartolome, hepe ng PNP Calayan, dumaraan sa matinding evaluation ang isang lugar bago naman maideklarang drug free o drug cleared ang isang lugar.
Idagdag pa ang kanilang report para naman sa drug offenders sa kanilang lugar na dumaraan sa community based rehabilitation program.
Narito ang naging pahayag ni Capt Bartolome (vc3)
Tututukan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang reformation ng mga drug offenders para sa pagpapatuloy ng tagumpay ng kanilang war on drugs.
Ayon kay Ret. Col. Ricardo Sana Santiago, Deputy Director General ng PDEA, kinakailangan umanong matutukan ang mga drug offenders sa bansa lalo na at karamihan na rin umano sa mga naaapektuhan nito ay mga kabataan.
Dapat din umanong matutukan ang mga drug offenders na sumasailalim sa Community Based Rehabilitation Program dahil mayroong mga ilan ang sumasailalim nga sa naturang programa pero bumabalik pa rin naman umano sa illegal na gawain.
Kung kaya, malaking tulong para sa kanilang hanay ang pagpapatayo ng “Balay Silangan” na magsisilbing Reformation Center para sa mga drug offenders sa bansa, na kung saan, unang naitayo ang Balay Silangan sa isla ng Calayan, probinsya ng Cagayan.
Ito na rin ang pang-apat na Balay Silangan sa rehiyon dos na kung saan, una na ring naipatayo ito sa Cauayan at Ilagan City,Isabela at isa sa Nueva Viscaya.
Ang bahagi ng pahayag ni Ret Col Ricardo Sana Santiago, Deputy Director General ng PDEA (vc1)
Ibinahagi pa ni Col. Santiago na mas pinaiigting umano ng PDEA ang kanilang isinasagawang mga operasyon na kung saan tinatarget umano nila ang mga malalaking personalidad sa likod ng transaksyon ng mga ipinagbabawal na gamot o mga high value targets.
Double effort na rin umano ang kanilang hanay sa ilang mga aktbidad upang mas maipakalat pa sa lahat ang mga negatibong epekto ng paggamit ng illegal na droga katulad na lamang ng kanilang information, education campaign sa drug supply and demand reduction idagdag pa ang harm reduction, na tatlo sa mga pangunahing aksyon ng PDEA kontra illegal na droga.
Muli ang bahagi ng pahayag ni Col Santiago(vc2)
Marami na ngang naging resulta ang nagpapatuloy na laban ng pamahalaan kontra illegal na droga.
Pero di yata’t matira ang matibay ang labanan sa pagitan ng mga law enforcers at ng mga big time drug personalities.
Dahil kung may paraan ang mga otoridad upang masugpo ang tila epidemya sa ating bansa, mayroon din namang stratehiya ang mga high value targets upang pagalawin ang kanilang mga galamay kahit pa sa ilalim ng karagatan.
Hanggang saan ang kakayanin ng ating kapulisan at mga kawani mula sa hanay ng PDEA?
Hanggang saan sila makakarating?
Hanggang kailan ang presenya ng illegal na droga?
Hanggang saan ito makakarating?
Wag naman sanang maipaabot pa ito hanggang sa susunod na henerasyon./ROSE ANN BALLAD