Posible na maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) ngayong taon laban sa mga umano’y sangkot sa madugong drug war ng Duterte Administration.
Ang ICC ay nagsasagawa ng imbestigasyon laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa alegasyon ng crimes against humanity may kaugnayan sa kanyang kampanya naman sa iligal na droga kung saan marami umano ang napatay na suspects.
Sinabi ni Kristina Conti, co-counsel ng ICC na kumakatawan sa mga pamilya ng mga biktima ng extra judicial killings sa panahon ng Duterte administration, nais nilang pabilisan ang paglalabas ng warrant sa kabila na aminado siya na ito ay isang malaking hamon.
Sinabi niya na para magawa ito, kailangan na kumbinsihin nila ang ICC na may kagyat na pangangailangan na arestuhin si Duterte at mga kapwa niya akusado dahil ang iba sa mga ito ay nasa kapangyarihan at posibleng maimpluwensiyan nila ang kasalukuyang imbestigasyon.