Tuguegarao City- Titiyakin ang wastong implimentasyon ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) sa lalawigan ng Cagayan para sa mga manggagawang higit na naapektuhan ng umiiral na Enhance Community Quarantine.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay 3rd District Cong. Jojo Lara, nagsagawa na sila ng pagpupulong upang makabuo ng mga hakbang at mapag-usapan ang paglulunsad sa naturang programa.
Kasama aniya dito tanggapan ng Social Security System (SSS), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang concerned agencies.
Ayon kay Lara, lahat ng rehistradong business establishments sa BIR at SSS ay kwalipikadong mag-avail sa programa.
Nilinaw naman ng opisyal na ang mga employer ang dapat na mag-apply para sa kanilang mga mangagawang naapektohan ang trabaho.
Giit pa nito na dapat ding maging mabilis ang pagbibigay sa naturang ayuda upang matulugan ang mga apektadong maggagawa sa gitna ng umiiral na ECQ.
Umapela pa si Lara sa mga pribadong kumpanya na makipag-ugnayan sa mga concerned agencies upang mas mapabilis ang proseso ng pag-avail sa nasabing programa.
Samantala, sa ilalim ng SBWS ay makakatanggap naman ng P5,500 pesos ang mang-gagawang pasok sa kwalipikasyon nito.
Muli ay ipinapaalala naman sa lahat na ang aplikasyon sa naturang programa ay nagsimula na noong Abril 16 hanggang ika-30 sa kaparehong buwan