Tuluyan ng nakalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Dindo.

Kaugnay nito ay habagat o southwest monsoon pa rin ang nakakaapekto ngayon sa bansa habang patuloy pang binabantayan ng PAG-ASA ang isa pang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan kaninang alas tres ng umaga sa layong 300km East, Southeast ng Davao City.

Nananatili pa rin ang mababang tiyansa nitong maging isang ganap na bagyo.

Dahil dito ay aasahan naman ang maulap na kalangitan at mga kalat kalat na mga pag-ulan sa bahagi ng Mindanao.

Sa Metro manila at nalalabing bahagi ng luzon ay aasahan naman ang maaliwalas na panahon at magiging maalinsangan pagsapit ng tanghali.

-- ADVERTISEMENT --

May tiyansa pa rin ng mga pulu-pulong mga pag-ulan lalo na pagsapit ng hapon at gabi.