Hindi man nakakuha ng medalya si Elreen Ando, nakuha naman niya ang respeto ng mga nanood sa women’s weightlifting 59-kilogram division sa Paris Olympics.
Nagsigawan ang audiende sa South Paris Arena nang matapos ni Ando ang clean and jerk sequence sa 130kg sa kanyang huling pagtatangka na nagresulta sa bagong personal best at finish sa ika-anim na puwesto.
Nagrehistro siya ng kabuuang 230kg na mayroong 100kg mula sa snatch at 130kg. mula naman sa clean and jerk na kaniyang bagong personal record.
Umabot pa sa dalawang pagtatangka o attempt bago matagumpay nitong nabuhat ang 100kg sa snatch at bigo sa kaniyang ikatlong attempt naman sa 102kgs.
Dito ay natumbasan niya ang personal best niya na 100kg lift.
Sa clean and jerk kailangan ni Ando ng tatlong attempt para matagumpay na mabuhat ang 130kg para sa mga bagong personal record.
Ang nasabing kabuuang buhat ay hindi sapat para umabot sa top 3.
Si Ando ay may pinakamataas na ranking na weightlifter noong makaharap niya si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa 2024 IWF World Cup noong Abril.