Target ni Wheelchair racer Jerrold Mangliwan na makakuha ng medalya sa Paralympics.
Sinabi niya na puspusan ang kaniyang training sa Manila bago bibiyahe sa kanilang training camp sa France para sa karagdagang na dalawang linggo na training bago ang pagsabak sa laro sa paralympics athletics na magsisismula sa August 28 hanggang September 8.
Ayon kay Mangliwan na tubong Tabuk City, Kalinga na ang goal niya ngayon ay makakuha ng medalya sa Paris Paralympics dahil ito na ang ikatlong pagkakataon na ma-qualify siya sa nasabing kompetisyon.
Nakakuha si Mangliwan ng gold at silver medals sa 2022 Para Games at six gold medals sa tatlong edition ng ASEAN Para Games.
Lalaban si Mangliwan sa Men’s 400M-T52.
Sinabi ni Mangliwan na anim sila na na-qualify para sa Paralympics, kung saan dalawa sila sa athletics, dalawa sa swimming, isa sa archery at isa sa taekwondo.