
Magkakasa ng White Ribbon March o kilos-protesta simula alas-12pm sa susunod na Linggo, June 28 ang iba’t ibang grupo sa EDSA People Power Monument.
Layon nito na matuldukan ang korapsyon sa pamamagitan ng pagpapanagot sa mga tiwali, at para manawagan na ipatupad ang matibay na antipolitical dynasty bill, gayundin ang pagkakaroon ng makatotohanang halalan.
Kabilang din sa layon ng ikakasang kilos-protesta ay ipanawagan ang pagkakaisa at isigaw ang mga panawagan ng buong bayan at pamahalaan.
Samantala, inaasahan namang bubuuhin ng aabot sa 10-k katao ang lalahok sa kilos-protesta mula sa 50 iba’t ibang religious at civil society groups, kabilang ang Philippine Council of Evangelical Churches, United Church of Christ in the Philippines, Catholic Bishops Conference Of The Philippines, TAMA NA, at marami lang iba.









