Tinawag ng isang mataas na opisyal ng administrasyong Trump na bahagi lamang ng “messy democracy” at karapatang malayang makapagsalita ang naging martsa ng white supremacist group na Patriot Front sa Washington, D.C. kasabay ng pagdiriwang ng ika-250 anibersaryo ng kasarinlan ng Estados Unidos.

Ayon kay US Interior Secretary Doug Burgum, bagama’t hindi siya sang-ayon sa paniniwala ng grupo, pinoprotektahan ng Konstitusyon ng Amerika ang karapatan ng mga mamamayan na malayang magpahayag ng kanilang saloobin.

Iginiit din niyang bahagi ito ng demokrasya sa bansa.

Daan-daang nakamaskarang miyembro ng Patriot Front ang nagmartsa sa kabisera habang may dalang mga bandila ng Estados Unidos at Confederate flags.

Ayon sa pulisya, mapayapa namang natapos ang kanilang pagkilos at walang naitalang insidente ng karahasan.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, kinondena ng ilang grupo ang naturang martsa dahil sa kaugnayan ng Patriot Front sa white nationalist ideology.