Marami pa rin ang namamatay dahil sa COVID-19.

Ayon sa World Health Organization, nasa 1, 700 katao pa rin ang namamatay bawat linggo sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Dahil dito, nanawagan ang WHO sa at-risk populations na palakasin pa rin ang pagbabakuna laban sa nasabing sakit.

Inirekomenda ng WHO na ang mga nasa highest-risk groups ay dapat na magpabakuna laban sa COVID-19 sa loob ng 12 buwan mula sa huli nilang dose.

Nanawagan din ang WHO sa lahat ng bansa na panatilihin ang virus surveillance at sequencing at tiyakin ang access sa abot-kaya at mapagkakatiwalaan na tests, treatments at mga bakuna.

-- ADVERTISEMENT --