Tuguegarao City- Nagsagawa ng “withdrawal of support” ang mga miyembro ng Alyansang magsasaka sa bahagi ng Sto. Niño Cagayan.
Ito ay bilang bahagi ng kanilang pagkalas at paghinto sa suporta sa mga miyembro ng New People’s Army.
Sinabi ni LT. Lloyd Orbeta, Tagapagsalita ng 17 Infantry Battalion, dinaluhan ito ng nasa mahigit 40 na mga indibidwal na kinabibilangan pa ng kanilang mga opisyal.
Aniya, sinunog ng mga ito ang mga bandila ng CPP-NPA-NDF at pumirma ng kasunduan bilang pagtitiyak na susuportahan nila ang hanay ng pamahalaan na wakasan ang banta ng insurhensiya.
Ayon kay Orbeta, mabibibigyan din ng livelihood assistance at trainings ang mga nasabing grupo katuwang ang TESDA at iba pang sangay ng gobyerno.
Ang Alyansa ng mga magsasaka ay isa lamang sa mga grupo na binuo ng mga NPA upang suportahan ang kanilang samahan sa patuloy na paglaban sa pamahalaan