TUGUEGARAO CITY-magsasagawa ng “palengke tour” ang grupo ng kababaihan partikular ang Amihan para ipaliwanag sa mga magsasaka ang pagpapatupad ng tunay na agrarian at maipalawang ang Rice Tarrification Law(RTL).

Ayon kay Ninita Apricio ng Amihan Isabela, mag-iikot ang kanilang grupo sa iba’t-ibang palengke sa probinsiya ng Isabela ukol sa masamang dulot ng RTL sa mga magsasaka.

Aniya, lalong nalulubog sa utang ang mga magsasaka dahil sa nasabing batas kung saan binibili ang kanilang mga aning palay sa mababang halaga sa kabila ng mataas na nagagastos sa pagsasaka.

Bagamat nagbigay naman ng pautang ang gobyerno sa mga magsasaka, sinabi ni Apricio na karagdagan lamang ito sa utang ng mga magsasaka dahil kulang ang nabigay na tulong para sa pondo ng pagsasaka.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito, nais rin ng grupo na patalsikin si Cynthia Villar sakanyang pamumuno sa agriculture committee dahil wala umano itong puso para sa pagsasaka.