Magbibigay ng tulong ang World Food Program (WFP) sa mga identified beneficiaries sa Region 2 sa pamamagitan ng direct cash assistance, matapos ang isang MOA signing sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng WFP.
Ayon kay Regional Executive Director Lucy Allan ng DSWD, ang nasabing cash assistance ay ipapamahagi ng WFP nang direkta sa mga identified beneficiaries, partikular sa mga piling miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS).
Ipinaliwanag ni Allan na patuloy na pinapalakas ng DSWD ang sistema ng pamamahagi ng tulong sa mga kababayan, lalo na ang mga 4PS beneficiaries na apektado ng mga kalamidad.
Aniya, layunin ng WFP na magbigay ng tulong sa mga kababayan sa Region 2, partikular sa mga 4PS beneficiaries na matinding naapektuhan ng mga kalamidad.
Nagsimula umano ang partnership sa mga programa ng WFP sa Region 5 at nakitaan nila ito ng magandang resulta.
Target ng World Food Program sa Region 2 ang mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad, lalo na ang mga beneficiaries ng 4PS.
Ayon sa DSWD, malaking tulong ang cash assistance sa mga 4PS beneficiaries upang matulungan silang makabangon mula sa mga bagyong tumama sa kanilang mga lugar, na nagdulot ng matinding pinsala sa kanilang kabuhayan at mga pananim.
Sa kasalukuyan, patuloy ang mga pag-uusap upang mapag-usapan ang mga estratehiya at matulungan agad ang mga apektadong pamilya sa Region 2.