Napanatili ng world’s strongest man ang titulo sa kamay ng Georgian super heavyweight na si Lasha Talakhadze matapos niyang pangunahan ang world weightlifting championships at higitan ang sariling world record sa pamamagitan ng pagbuhat ng 484 kilograms (1,067 pounds).

Nakuha ni Talakhadze, 25-anyos na weightlifter na may timbang na 371 pounds ang kanyang pang-apat na sunud-sunod na world title kasama ng kanyang napanalunang gold medal sa Rio Olympic.

Nahigitan niya ng 53 pounds ang naitala ng Armenian na si Gor Minasyan.

Hawak ni Talakhadze ang dating world records na 478 kg na naitala niya sa European Championships noong nakaraang Abril at 477 kg naman noong 2017 World Championships.