Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang mas maagang release ng yearend bonus at cash gift ng mga kawani ng pamahalaan.
Ito ay matapos na ilabas ni DBM Secretary Amenah Pangamdaman ang Budget Circular 2024-3, kung saan nakasaad ang maagang paglalabas ng year-end at cash gift ng government workers, kung saan amyenda ito sa unang circular na naglalahad ng guidelines sa pagbibigay ng nasabing insentibo.
Nakasaad dito na sisimulang ibibigay ang year-end bonus ng government employees na katumbas ng kanilang isang buwang sahod sa October 31 at cash gift na P5,000.
Inilabas ni Pangandaman ang budget cisrcular kasunod ng mga obserbasyon na nakakaranas ng pagkakaantala sa pagtanggap ng kanilang bonuses at cash gifts ang mga kawani ng pamahalaan, na nakakaapekto umano sa kanilang moral, motivation, level of satisfation.
Aa mga nakalipas na taon, simula ang pagbibigay ng year-end bonus at cash gift ng mga kawani ng pamahalaan sa November 15.