CPIO

Patuloy na nakararanas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA, ito ay bunsod ng umiiral na Northeast Monsoon at Bagyong Tisoy.

Nakataas sa yellow rainfall warning ang Cagayan, Apayao at Isabela at nakararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan.

Kasabay nito, itinaas na rin ang alerto sa Buntun Bridge Gauging Station, nang umabot na sa 9 metro ang water level nito as of 6:20PM ngayong December 4, 2019 na malapit na sa critical level na 12 meters.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management office na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

-- ADVERTISEMENT --

Kinansela na rin ni Governor Manuel Mamba ang pasok sa lahat ng antas sa lalawigan ng Cagayan, bukas December 5, 2019.