Mariing pinabulaanan ni Yen Santos na mayroon siyang love child kay businessman Chavit Singson.

Iginiit ni Yen na isang “good family friend” si Singson.

Naglabas ng vlog si Yen para sagutin ang mga itinatanong sa kanya.

Sinabi ni Yen na ang batang lalaki ay hindi nila anak ni Singson, sa halip ay bunsong kapatid niya, kung saan mayron siyang dalawang kapatid.

Ayon sa kanya, hindi kasi siya nagsasabi ng tungkol dito, subalit dahil sa marami ang nagtatanong, kaya kailangan niyang sagutin ang mga espekulasyon na ang kanyang anak ay magbibinata na.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Yen na 11-anyos ang kanyang kapatid.

Ayon pa kay Yen, nakakatawa ang tsismis dahil sa kaibigan ng kanilang pamilya si Singson at ninong din ng kanyang kapatid.

Dahil dito, sinabi ni Yen na puwede niyang imbitahan si Singson para sa isang interview upang malinawan ang lahat.

Matatandaan na inamin noon ni Singson na nagkaroon sila ng relasyon ni Yen.