Nagulantang ang buong Thailand sa pagkamatay ng young singer matapos umano na sumailalim sa neck-twisting massage na nagresulta ng herniated spine disc sa kanyang leeg.

Dahil dito, naglabas ng babala ang mga doktor sa Thailand laban sa neck-twisting massages matapos ang pagkamatay ni Phing Chyada, mula sa Udon Thani na namatay mula sa komplikasyon na may kaugnayan sa neck massage sessions sa isang studio.

Ayon sa ina ni Chyada, nagsimulang makaranas ng pananakit sa kanyang balikat ang anak ilang buwan na ang nakalilipas, at sa halip na pumunta sa ospital, mas pinili niya na pumunta sa local massage studio.

Dalawang araw lamang matapos ang neck-twisting massage session, nagsimula na siyang makaramdam ng pananakit sa kanyang leeg, hanggang sa ito ay lumala.

Bago ang pagpanaw ni Chyada, may post siya sa kanyang Facebook, kung saan sinabi niya na sa halip na matanggal ang pananakit sa kanyang mga balikat pagkatapos ng neck-twisting session ay lumala pa ito at sumakit na rin ang kanyang leeg.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na dahil dito ay uminom siya ng painkillers, subalit walang naging epekto ito at namanhid pa ang kanyang kanang kamay.

Subalit, nagkamali siya dahil sa bumalik siya sa neck-twisting studio.

Matapos ang dalawang linggo, lalong sumakit ang kanyang leeg na halos hindi na rin siya makahiga.

Subalit, dahil sa inakala niya na epekto lamang ito ng unang masahe, muli siyang bumalik sa massage studio sa ikatlong pagkakataon, kung saan binigyan siya ng rough massage na nagresulta pa ng mga pasa na ininda niya ng isang linggo.

Kumalat ang pamamanhind sa kanyang dibdib at kanang paa, at hindi nagtagal ay wala nang maramdaman ang buong kanang bahagi ng kanyang katawan.

Kahapon ay ibinalita ng isang isang Facebook page ang pagkamatay ni Chyada matapos na ma-coma dahil sa komplikasyon mula sa natamo niyang neck injuries.

Sinabi naman ng mga doktor na nagkaroon siya ng malala na herniated disc sa kanyang leeg, at wala na silang magagawa para matulungan ang singer.