isinama ng Department of Environment and Natural Resources region 2 ang mga lider kabataan bilang environmental partners para pangalagaan at itaguyod ang mga protected areas sa lalawigan ng Cagayan.

Sa isang environmental youth camp na inorganisa ng Provincial Environment and Natural Resources (PENR) Office-Cagayan na ginanap sa Peñablanca Protected Landscape and Seascape (PPLS), ang mga young partner na ito ay binubuo ng 47 student leaders at Sangguniang Kabataan officials na naninirahan sa loob ng apat na protected areas ay tutulong sa pag-promote sa kani-kanilang protected area sa pamamagitan ng social media advocacy campaign.

Kabilang sa mga protected areas na ito ay ang Baua-Wangag Watershed Forest Reserves sa Gonzaga at Lal-lo; Magapit Protected Landscape sa Lal-lo at Gattaran; Palaui Island Protected Landscape at Seascape sa Sta. Ana; at Peñablanca Protected Landscape and Seascape

Na-orient ang mga kalahok sa profile at kahalagahan ng mga protected areas at mga batas at programa sa kapaligiran tungkol sa pamamahala ng protected areas sa pamamagitan ng mga interactive na talakayan na pinangunahan ng iba’t ibang Protected Area Management Office sa Cagayan.

Tinalakay din Ang mga paksa tungkol sa plastic pollution at ang panawagan na ipagbawal ang single-use plastics sa mga protected areas

-- ADVERTISEMENT --

Sa kaniyang mensahe, binigyang diin ni Cagayan PENR Officer Enrique Pasion ang malaking papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pangangalaga sa kapaligiran.