Sumakabilang-buhay na si Rosalio “Yoyong” Martirez, isa sa pioneer starts ng PBA at miyembro ng huling Philippine basketball team na naglaro sa Olympics bago niya pinasok ang showbiz at pulitika.
Siya ay pumanaw sa edad na 77.
Ayon sa kanyang pamilya, namatay siya dahil sa komplikasyon sa sakit na pneumonia.
Produkto siya ng Southwestern University hanggang sa sumikat siya sa big-time basketball scene sa nabuwag na MICAA kung saan naglaro sa San Miguel Beer, kasama si Ramon Fernandez at pinangunahan ang Braves sa 1973 National Seniors title.
Kilala sa kanyang cat-quick skills, partikular sa depensa, nakasama si Martires sa national team sa 1972 Munich Olympics kung saan nasa ika-13 puwesto ang Pilipinas mula sa 16 na participants.
Bukod dito, marami pa siyang mga sinalihang laro na lalong nagpasikat sa kanya sa larangan ng basketball hanggang sa makapasok siya sa koponan ng San Miguel Beer noong 1975
Ang kanyang makulay na personalidad ang nagbukas ng oportunidad para mabigyan siya ng papel sa silvre screen, ito ang sidekick role sa comedy movies nina Tito Sotto,Vic Sotto at Joey de Leon.
Kilala siya sa mga pelikula sa kanyang linya na “Hindi, nagpapaliwanag lang.”