
Nagpadala umano si dating House of Representatives appropriations chairperson at resigned Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ng feelers kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na himihiling ng dayalogo, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.
Sinabi ni Remulla na nagpadala ng feelers si Co sa pamamagitan ng kanyang mga kakilalang mga pari.
Ayon sa kanya, hinihiling nila na magkaroon sila dayalogo, hindi sa kanya, kundi sa kanyang kapatid na si Ombudsman Remulla.
Gayunman, nilinaw ni Remulla na hindi pa ito beripikado.
Una rito, sinabi ni Remulla na ang huling natukoy na kinaroroonan ni Co ay sa Portugal.
Wanted si Co sa kasong graft and malversation sa Sandiganbayan kaugnay sa umano’y maanomalyang P96.5 million na road dike project sa Oriental Mindoro.










