
Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Miyerkules na nagpadala ng “feelers” at nakipag-ugnayan umano si dating kongresista Zaldy Co sa ilang pari upang iparating ang kanyang intensiyon na makipag-dialogue sa pamahalaan.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hindi pa beripikado ang impormasyon, ngunit handa ang ahensiya sakaling ipakita ni Co ang tunay na hangarin.
Si Co ang pangunahing personalidad sa kasalukuyang isyu ng mga flood control projects, na iniuugnay sa umano’y anomaliya sa infrastructure insertions.
Bilang dating chairman ng House appropriations panel, naging makapangyarihan si Co dahil sa kanyang papel sa pagbuo ng pambansang badyet.
Sa kasalukuyan, may nakabinbing warrant of arrest laban kay Co kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control project sa Oriental Mindoro.










