
Pinaniniwalaan na naninirahan si dating Congressman Zaldy Co sa loob isang pamayanan na may gates sa Lisbon, Portugal.
Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na sigurado ang mga awtoridad sa kinaroroonan ni Co batay sa isinasagawang surveillance subalit hamon umano ang pagpasok sa nasabing lugar, dahil halos hindi umano siya lumalabas ng bahay.
Kabilang sa mga hamon sa pag-aresto kay Co ang kawalan ng extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Portugal.
Sinasabing may hawak din na Portuguese passpor si Co.
Matatandaan na inilabas ang arrest warrants laban kay Co at iba pa kabilang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) officials at Sunwest Corp. directors kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Unang naghain ang Ombudsman sa Sandiganbayan ng kasong corruption at malversation of public funds laban kay Co at iba may kaugnayan sa P289 million project sa Oriental Mindoro.










