Ayon kay Department of Education Secretary Sonny Angara, kabilang sa mga nangunguna sa klase ang 14-anyos na estudyanteng sangkot sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University na ikinasawi ng dalawang estudyante.

Sinabi ni Angara na wala umanong nakikitang malaking problema sa bata batay sa pakikipag-usap sa kanyang mga guro.

May mga pagkakataon lamang umano na nagbibiro itong galit sa kanyang mga kaklase, ngunit inakala ng pamilya na biro lamang ito.

Samantala, patuloy na binibigyan ng post-trauma care ang mga estudyante, guro at pamilya na naapektuhan ng insidente.

Ayon kay Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, maaaring walang pisikal na sugat ang ilang estudyante ngunit kailangan pa ring bantayan ang trauma na kanilang naranasan.

-- ADVERTISEMENT --