TUGUEGARAO CITY-Inalis na ng Local Government Unit (LGU)-Tuguegarao ang ipinatutupad na “zoning containment strategy” sa Reyes Extension barangay Ugac Norte ngayong araw, Setyembre 02, 2020.
Ito ay batay sa executive order no. 82 series of 2020 mula sa opisina ni Mayor Jefferson Soriano.
Nabatid na negatibo na rin sa pangalawang swab test ang isang pamilya na unang dinapuan ng covid-19 sa nasabing lugar.
Matatandaan, isinailalim sa 14-day zoning containment strategy ang lugar para hindi na lumobo ang bilang ng mga nahahawaan sa virus.
Sa kabila nito, ipinapaalala ng LGU-Tuguegarao na nakasailalim pa rin sa Modified enhanced community Quarantine (MECQ) ang lungsod kung kaya’t iwasan pa rin ang paglabas sa tahanan ,ugaliing magsuot ng face mask, face shield at maghugas ng kamay para makaiwas sa virus.